NANUMPA | Dela Rosa, nanumpa bilang bagong miyembro ng PDP-Laban

Nanumpa bilang bagong miyembro ng PDP-Laban sina Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” Dela Rosa, dating customs commissioner Nicanor Faeldon at ang aktor na si Philip Salvador.

Ginawa nila ang panunumpa sa harap ni PDP-Laban President Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ayon kay Pimentel, sigurado ng makakasama si Dela Rosa para mapabilang sa pagpipilian para sa senatorial slate ng partido.


Sabi naman ni Dela Rosa, ang desisyon niya ay kasunod ng go signal na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang mataas na posisyon niya sa mga survey.

Aniya, pangunahing panukala na plano niyang ihain sa oras na manalong senador ay ang pagbabalik ng parusang kamatayan laban sa mga drug pushers.

Paliwanag naman ni Faeldon, mas gusto niyang tumulong sa kampanya para sa pederalismo.

Posible namang tumakbo bilang kongresista si Salvador.

Facebook Comments