NAPAAWAY | Ilang bombero nag-walkout kasabay ng sunog sa Malabon

Malabon City – Nasunog ang isang bodega ng plastik sa Barangay Maysilo Malabon kagabi.

Sa lakas ng apoy nagbagsakan na ang bubong ng warehouse at halos wala ng makitang gamit na maaari pang pakinabangan.

Ayon sa security guard na si Salongga, nagpatrolya pa siya alas onse ng gabi pero makalipas ng 30 minuto nagulat na lang siya sa biglang paglaki ng sunog.


Samantala kahit nasa ikatlong alarma ang sunog, nag-alisan ang ilang bombero at firetruck matapos mapaaway sa mga fire volunteer.

Karamihan sa mga empleyado ay nakalabas habang inaalam pa kung may naiwan na tao sa loob ng warehouse.

Iniimbistigahan na rin ang sanhi ng sunog at kung magkano ang pinsala sa ari-arian.

Facebook Comments