NAPATAWAD NA | Donita Rose, napatawad na daw ang dating mister sa mga kasalanan nagawa nito

66

Manila, Philippines – Tuluyan na daw napatawad ng TV host/actress na si Donita Rose ang kaniyang dating asawang si Erci Villarama.

Kwento ni Donita, bagamat nagkahingian na sila ng tawad sa isa’t-isa ni Eric noon, may mga pasulpot-sulpot pa rin daw na isyu at tampuhan.

Hindi din daw maaalis sa puso at isipan ni Donita ang nagawa ng kaniyang dating mister kung saan nahuli niya ito noon na may babae tatlong taon na ang nakakaraan.

Dagdag pa ni Donita, mas gusto niya daw na magkaayos na sila para wala ng burden na dinadala pero diin nito na wala siyang planong magkabalikan pa sila.

Ikinatuwa naman ng 13-anyos na anak ni Donita na si Joshua Paul ang naging hakbang ng kaniyang ina.

Facebook Comments