
Hindi utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napipintong pagbibitiw ngayong araw ni House speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang lider ng Kamara.
Binigyang-diin ito ni House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno.
Ayon kay Puno, kahapon ay naipabatid na ni Romualdez kay Pangulong Marcos ang plano niyang resignation.
Sabi ni Puno, ilang linggo na itong pinaplano ni Romualdez upang maharap nya ang lahat ng nga akusasyon, mga tsismis, mga paratang ukol sa iba’t ibang pangunahing usapin ang maanumalyang flood control projects.
Facebook Comments









