Napoles, pinayagan na dumalo sa pork barrel scam trial

Manila, Philippines – Pinayagan ng Supreme Court (SC) si Janet Lim-Napoles na makadalo sa mga pagdinig hinggil sa pork barrel scam sa Sandiganbayan.

Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, nauna na nilang pinagbigyan ang hiling ng Sandiganbayan para mailipat si Napoles mula Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City sa anti-graft court sa Quezon City para sa mga pagdinig.

Aniya, magiging ‘counter-productive’ aniya kung hindi pagbibigyan ang hiling ng Sandiganbayan.


Mababatid na kadalasan ay hindi pinahihintulutan ang mga na-convict sa plunder case na makaalis ng kulungan.

Facebook Comments