NAPUNO NA | Pangulong Duterte, naubos na ang pasensya sa Kadamay

109

Rizal – Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ultimatum ang grupong Kadamay na umalis na sa kanilang mga inookupahang pabahay sa Rodriguez Rizal.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na mayroong hanggang alas-12 ng tanghali ang mga kadamay para lisanin na ang kanilang inookupahang pabahay at kung hindi ay ipadadala niya ang puwersa ng Special Action Force para puwersahang paalisin ang mga ito.

Sinabi ni Pangulo ang lakas ng loob ng Kadamay na humingi ng tulong o ng bahay sa kanya pero sinusunog naman ang kanyang mukha sa kanilang mga kilos protesta.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na insidente pa na inihian ng kadamay ang kanyang larawan o effigy e kung siya naman kaya ang gumawa nito sa kadamay habang nakahiga sa kalsada.

Hindi din naman masabi ni Pangulong Duterte kung ano ang mangyayari kapag nagpumilit ang kadamay at magkanda letse letse ang sitwasyon.

Facebook Comments