NARARAPAT | UK, nanindigang tama lang ang pagsama nila sa Amerika sa pagsasagawa ng air strike sa Syria

23

Syria – Tama lang para kay British Prime Minister Theresa May ang desisyon nilang sumama sa Estados Unidos sa pagsasagawa ng airstrike sa Syria.

Aniya, hindi sila hinikayat ni US President Donald Trump na makibahagi sa paglulunsad ng airstrike.

May sapat din daw silang ebidensya at ginawa lang nila kung ano ang nararapat.

Samantala, ikinalungkot ni Pope Francis ang nangyayaring gulo sa Syria.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga lider ng iba’t ibang bansa na magtulungan para makamit ang kapayapaan sa Syria.

Facebook Comments