Nas Daily, nanindigang lehitimo ang kontrata sa pagitan ng batuk tattoo artist na si Apo Whang-Od

869

Nanindigan ang online learning platform na Nas Daily na lehitimo ang kontrata sa pagitan ng batuk tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Kaugnay ito ng pahayag ng apo at tattoo progeny ni Whang-Od na si Grace Palicas kung saan tinawag niya ang popular vlogging site na scam at ginamit ang kultura ng kanilang pamilya nang walang pahintulot.


Ayon sa Nas Academy, kasama pa mismo ng kanilang team ang pamangkin ni Whang Od na si Estelle Palangdao sa pag-pitch kung saan tinuro pa mismo ng 104 taong gulang na tattoo artist kung paano gawin ito.

Inihayag din ng Nas Academy na nalulungkot sila sa mga kumakalat na maling balita sa social media.

Samantala, binura naman ni Palicas ang post nito sa Facebook ukol sa alegasyon.

Facebook Comments