Nasa 120 milyong halaga ng hinihinalang shabu at armas, nasabat sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Nasabat ang nasa P120-milyong halaga ng hinihinalang
shabu at mga armas sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila .

Arestado sa operasyon sina Edris Macabalao at Arvin Zapanta na dumating
pang naka-motorsiklo bago sumakay sa nakaparadang Totoya corolla na may
plakang WDJ-567 sa rd. 10, Tondo, Maynila.

Nakumpiska sa kanila ang kabuang 24 na iba’t ibang uri ng matataas na
kalibre ng baril at halos 20-kilo ng shabu.


Ayon kay National Bureau of Investigation – NCR regional Director Atty.
Cesar Bacani, minanmanan ng kanilang mga tauhan ang lugar matapos
makatanggap ng impormasyon na isang sindikato ng droga ang nakatakdang
magbyahe ng droga at mga baril patungo sa Mindanao.

Pinag-aaralan na ng NBI ang koneksiyon ng mga naarestong suspek sa mga
terorista sa Mindanao.

 

Facebook Comments