NASA 300 INDIBIDWAL SA CAGAYAN, NABIYAYAAN SA CIVIC ACTION PROGRAM, MEDICAL MISSION

Halos 300 indibidwal ang nabiyayaan sa Civic Action Program and Medical Mission sa Barangay Dammang, Camalaniugan, Cagayan nitong Setyembre 19, 2022.

120 residente ang nakakuha ng libreng medical check-up, 45 indibidwal ang nagpagupit, 50 pamilya ang nakatanggap ng relief packs, at 50 bata ang benepisyaryo ng feeding program.

Inorganisa ng tropa ng 501st Infantry Brigade, 17th at 77th Infantry Battalion, at Philippine Marines ang nasabing aktibidad na binansagang “Bayanihan para sa Kapwa at Bayan.”

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga lokal ng pangunahing serbisyo na kailangan nila sa tulong ng mga stakeholders tulad ng religious sector at Baggao Mission Help Indigent Children Incorporated.

Facebook Comments