Nasa higit 500 pamilya, nananatili pa rin sa mga evacuation center sa Laguna

19

Laguna – Base sa pinakahuling tala ng Laguna PDRRMO, karamihan sa mga evacuation area ay isinara na dahil ang mga evacuees na nagsilikas bunsod ng bagyong Maring at Lannie ay nakauwi na kahapon.

Ang nananatili na lamang na bukas ay ang 4 na evacuation area mula Sta. Rosa, Laguna kung saan nasa 49 na pamilya pa ang namamalagi.

Nananatili ding bukas ang 2 covered court sa Calamba, Laguna kung saan nasa 596 n pamilya pa ang nananalagi.

Wala nang mga baha sa Laguna at normal na rin ng panahon na nararanasan at bukas na sa mga motorista ang lahat ng mga kalsada sa lugar.

Facebook Comments