Nasa higit kumulang 400 indibidwal kabilang ang ilang foreigners, ang inaresto ng awtoridad sa isang raid sa Pasay City

Magkakahalong Chinese, Malaysian, Pinoy, at Vietnamese ang inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC.

Sa isang raid na isinagawa sa isang condominium building sa Pasay City kahapon, Pebrero 26.

Hindi bababa sa 500 na indibidwal ang inabutan ng mga operatiba na nagsasagawa ng iba’t ibang uri ng scam katulad ng investment scam, love scam, at online scam at text scam.

Napag-alamang ipinasara na dati ang natunton na scam hub.

Sakay ng malaking bus ay dinala sa detention facility ng PAOCC sa Pasay City ang mga inarestong scam hub workers.

Facebook Comments