Handang-handa na sa pagbubukas ng pasukan ang nasa isang libong classrooms sa mga pampublikong paaralan sa Dagupan City matapos na mabigyan ng mga donasyon at suporta mula sa pamahalaang lokal at mga private sectors.
Bagamat, aminadong may kakulangan pa rin sa mga classrooms, bahagi ng layuning ito na makapagbigay pa rin ng malinis, ligtas, at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral.
Kasabay nito, isinagawa rin ang pagpapa-refresh ng mga pedestrian lane sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, lalo na sa mga paaralan, upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at iba pang pedestrian sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Inaasahan naman ang magiging daloy ng trapiko sa araw mismo ng pasukan lalo at libo-libong mga estudyante kasama ang kanilang mga magulang ang magbabalik sa kani-kanilang mga pampublikong paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










