NASABAT | Mahigit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa 3 suspek sa Cavite

54

Bacoor, Cavite – Nakumspika ng mga otoridad ang nasa mahigitisang milyong pisong halaga ng shabu mula sa tatlong suspek sa Bacoor, Cavite.

Nakilala ang mga nadakip na sina Vergilio De Mesa, Ronel Exequiel at Jackylyn Yosa.

Sa ulat, nakipag-transaksyon ang mga suspek sa mga pulis na nagpanggap na poseur buyer kung saan naganap ang bentahan ilang metro lang ang layo sa police station ng Bacoor habang umiiral ang state of calamity sa buong lungsod.

Hindi naman na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin sila kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang Bacoor police para mahuli ang iba pang kasamahan ng grupo.

Facebook Comments