NASABAT | Milyong pisong halaga ng smuggled rice, nahuli ng navy sa Zamboanga Sibugay

25

Zamboanga Sibugay – Nasa P68 milyong halaga ng smuggled rice ang nasabat ng Philippine Navy sa isang foreign vessel sa Zamboanga Sibugay.
Tinatayang 27,180 na sako ng bigas ang nakuha nila mula rito kung saan natukoy ang sasakyang pandagat bilang MV Diamond 8 na may sakay na labing isang Bangladeshi at apat na Chinese crew members.
Sinasabing mayroon rin itong 34 na manggagawang Pilipino at nahuli ang mga ito na naglilipat ng bigas sa mga maliliit na bangka.
Napag-alaman pa na nagmula sa Vietnam ang naturang barko.

Facebook Comments