NASABAT | P20.4-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa Maynila

47

Manila, Philippines – Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa ikinasang buy-bust operation nasa 20.4 milyong piso halaga ng shabu sa isang motel Quirino, Maynila.

Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang suspek na si Ryan Tomawis, 25-anyos nang pasukin ng mga otoridad ang tinutuluyan nitong kwarto kung saan sana gagawin ang transaksyon.

Ayon sa PNP-PDEG, dalawang taon nang nasa kalakaran ng ilegal na droga si Tomawis at nagsisilbing ito courier ng isang drug syndicate.

Inaalam na ng PNP-PDEG kung sino ang supplier ng suspek.

Facebook Comments