NASABAT | P3.3-M halaga ng shabu, nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite

Cavite – Aabot sa 3.3-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite.

Sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas, huli sina Jamila Alonto alyas “Gemma Jose” at Lanie Garcia.

Nabilhan muna sila ng poseur buyer ng 150 gramo ng shabu bago inaresto at nasabat ang karagdagang 300 gramo ng shabu.


Sa Bacoor naman, arestado rin ang drug pusher na sina Marvin Destajo matapos na matyempuhan ng mga nagpa-patrolyang pulis.

Habang sa Cavite City, dinakip sa bisa ng search warrant si Julieta Tabor na nakuhanan pa ng tatlong plastic sachet ng shabu.

Facebook Comments