Nasagasaan ang 4 na mag-aaral sa Del Carmen, Surigao Del Norte

1155

Nasagasaan ang 4 na mag-aaral sa Del Carmen, Surigao Del Norte. Kinilala ang mga ito na sina Gian Clyde Sumalinog Toldo,12 taong gulang, Grade 7 pupil, Jessa Mae Estaloza Tormento,13 taong gulang, Grade 8 pupil, Liza Mae Antipala Menil, 13 taong gulang, Grade 8 pupil at Jeniza Lovely Joyce Curada, 15 taong gulang, Grade 7 pupil. Ang nakasagasa ang kulay puti na multicab na may plate number SGT 496, pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng Del Carmen at minamaneho ni Pepito Ortojan Escanan, 46 taong gulang, estudyante ng TESDA. Ayon kay P02 Juvy Amper, ang Investigator sa kaso, alas 11:00 ng tanghali kahapon habang nasa loob ng Del Carmen National High School at nag-Test Drive naapakan ang gasolinador ng muliticab at diretso itong bumangga sa mga estudyante na noong mga oras na iyon, nakaupo sa bangko. Matapos ang aksidente dinala kaagad sa ospital ang 4 na mga estudyante kasama ang TESDA Instructor Daylin Montesa. Sa ngayon, inilipat ang mga nasagasaan sa Caraga Regional Hospital para karagdagang atensiyong medikal.

Facebook Comments