NASAGIP NA | 5-anyos na batang lalaki, ligtas na matapos i-hostage sa QC

11

Manila, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos gawing hostage ng suspek na nasa impluwensiya ng ilegal na droga.

Batay sa QCPD, biglang hinatak ng 47-anyos na suspek na si Emmanuel Viyo Villoza ang biktima habang papasok ng Red Ribbon Bakeshop sa Aurora Boulevard sa Anonas.

Dito ay tinututukan ng suspek ng barbeque stick sa leeg ng biktima.

Agad namang sinunggaban ng mga pulis ang suspek nang makitang nasusugatan na ang biktima.

Facebook Comments