NASAKTAN | Coach Freddie Roach, aminadong nasaktan sa naging desisyon ni Manny Pacquiao na huwag na siyang kunin bilang trainer nito

91

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng hall of famer na trainer na si Coach Freddie Roach na nasaktan ito sa naging desisyon ni Manny Pacquiao na huwag na siyang kunin bilang trainer.

Nabatid kasi na tapos na ang knaiyang kontrata bilang trainer ng pambansang kamao kaya at out na siya sa kampo ni Pacquiao sa magiging laban kay Lucas Matthysse ng Argentina.

Ayon kay Roach, hindi man lang daw sila nakipag-usap ng personal ni Manny hinggil dito kaya at nanghihinayang siya dahil halos labing limang taon silang nagkasama sa mga laban.

Matatandaan na si Roach sa mga unang nakasama ni Pacquiao habang hindi pa ito sumisikat hanggang sa makamit ang eight division title.

Nananatili naman tahimik ang kampo ni Pacquiao at wala pang inilalabas na pahayag ang mga ito hinggil sa sitwasyon ni Roach.

Facebook Comments