NASALISIHAN | German nat’l nanakawan sa Maynila

7

Manila, Philippines – Wala na ang ilang gamit at pera ng isang turista mula sa Germany nang magising sa loob ng tinutuluyang hotel sa Malate Maynila.

Ayon sa 31-anyos na biktima na isang doctor, isang Pinay ang nakilala niya kamakailan.

Nagkayayaan sa hotel at paggising niya wala na siyang maalala.

Hinala niya may pinainom sa kanya kaya malalim ang kanyang tulog.

Nawala ang pera niya na 2,000 pesos, wala na rin ang kanyang mga ATM card.

Nakita niya na 5 beses nag-withdraw ang suspek at natangay ang 27,000 pesos.

Pinaghahanap na si alyas ‘Melissa’ at 2 kasabwat nito.

Facebook Comments