Nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta, umabot na sa 9

37

Umabot na sa siyam ang naitatalang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta.

Batay sa ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Naitala ang mga nasawi sa rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 6 at Region 7

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 6 na injured at 2 missing.

Habang umabot sa 49,557 families ang naapektuhan ng Bagyong Quinta, sa bilang na ito 12, 233 ay nanatili ngayon sa 704 evacuation centers.

81 na insidente naman ng pagbaha, landlside at paglubog ng bangka ang naitala rin ng NDRRMC sa pitong rehiyon.




Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na naapekuhan ng Bagyong Quinta.

Facebook Comments