Nasawi sa Mandaluyong City ng Dahil sa COVID-19, pumalo na sa 24

137

Nadagdagan naman ng anim ang mga nasawi sa lungsod ng Mandaluyong ng dahil Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ito ay batay sa pinakabagong tala kahapon ng alas-5:00 ng hapon ng City Health Office o CHO ng lungsod.


Sa kabuuan, umabot na ng 24 ang bilang ng mga nasawi ng nasabing lungsod dulot ng virus, kung saan 15 nito ay COVID-19 positive at ang siyam naman ay mga Persons Under Investigation o PUI.

Sa nakalipas naman na 24 oras, ang Mandaluyong CHO ay nakapagtala naman labing limang bagong kaso ng nasabing virus.

Kung saan umabot na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng 121.

Sa kasalukyang tala ng CHO ng Mandaluyong, ang Person Under Monitoring ay nasa 324 na at ang PUI naman ay umabot na sa 317.

Facebook Comments