Nasawing Suspected Bomb Couriers sa Mlang , Kinilala na ng PNP

Nakilala na ang mga nasawing pinaghihinalaang mga bomb courier sa nangyaring engkwenro sa bayan ng Mlang pasado alas tres kaninang umaga.
Sa report na ipinarating sa DXMY RMN Cotabato ng North Cotabato PNP Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Nholds Salbo Ali, 32 years old, single, laborer at Patrick Ali Saligan, 28 years old, married na kapwa mga residente ng Barangay Digal, Buluan, Maguindanao .
Sinasabing sakay ng motorsiklo ang tatlong mga suspek, ngunit pagsapit sa isang checkpoint ng Charlie Company ng 7th Infantry Battalion na naka base sa Tawan Tawan Mlang ay sa halip na huminto ay pinaharurot ng mga ito ang kanilang motorsiklo.
Agad namang nagsagawa ng hotpursuit ang mga military at nagawang magkaputukan sa bahagi ng Purok 2 Sangat Mlang resulta ng kamatayan ng dalawa sa mga suspek habang sinsabing nakatakas sa di malamang direksyon ang isa pang kasamahan ng mga ito.
Narekober sa mga nasawi ang isang kalibre kurentay singko at mga bala nito, paper bag na naglalaman ng IED na may component ng 60mm. Bukod dito isang sachet pa ng shabu ang nakumpiska mula sa isang nasawing suspek.
Umani naman ng papuri ang ginawang kabayanihan ng mga otoridad sa pagkakasabat at pagkakapatay sa dalawang hinahinalang mga bomber.
Nauna na ring inhayag ng militar na malaki ang posilibidad na maaring mga myembro ng BIFF ang mga nasawing suspeks.
PIC: From d FB Wall of BSP

Facebook Comments