NASUNOG | Taxi, nagliyab sa southbound lane sa Cubao

Quezon City – Isang taxi din ang nasunog sa Service Road sa southbound lane ng Edsa-Cubao sa Quezon City.

Sa ulat, nagulat na lamang ang driver ng Jeff Gomido taxi na may plate number na TWQ-401 na si Nonito Dela Peña nang biglang magliyab ang unahang parte ng sasakyan.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang magliyab ang taxi pero agad din itong naapula makalipas ang sampung minuto.


Wala naman pasahero ang taxi at nakaligtas naman din ang driver pero nagdulot ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko sa southbound lane dahil pawang mga pampasaherong bus ang dumadaan dito.

Facebook Comments