Natanggap na apat na COVID-19 vaccine dose ni San Juan Cong. Zamora, ‘di pasok sa mix and match

Hindi maikukonsidera ng Malakanyang na kaso ng mix and match ang pagbabakuna kay San Juan Cong. Ronnie Zamora.

kasunod ito ng pag-amin ni Zamora na tig-dalawang doses ng Sinopharm at Pfizer ang itinurok sa kanya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa pinahihintulutan ang mixing and matching ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas o kahit sa alinmang bansa.


Aniya, hindi rin maikukonsidera na mix and match ang pagbabakuna kay Congressman Zamora dahil ang pagturok dito ng unang dalawang dose ay mula sa iisang brand lamang gayundin ng natanggap nito na dalawang dose ng Pfizer.

Una nang sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na kinailangang gawin ito sa kaniyang ama dahil na rin sa payo ng kaniyang doktor.

Facebook Comments