Natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center, mula sa hanay ng manggagawa

Simula nang isailalim sa Alert Level System ang Metro Manila, mayorya ng tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC) ay mula sa working age group.

Ayon kay OHCC medical officer Dr. Marylaine Padlan, naglalaro sa edad 20 hanggang 29 at 30 hanggang 39 ang mga nagpopositibo sa COVID-19.

Aniya, karamihan sa mga ito ay naghahanap ng isolation facility o nagre-request ng hospital assessment.


Samantala, nananatili naman sa 150 hanggang 200 ang average calls na natatanggap ng OHCC na may kinalaman sa COVID-19.

Facebook Comments