National Assessment para sa mga OFW, sinimulan na ng TESDA

Inihayag ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na nagsimula na kahapon ang kanilang National Assessment para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs gamit ang kanilang website at mobile application.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro LapeƱa, sa nais mag-apply ng assessment, kailangang bisitahin ang kanilang website na www.tesda.gov.ph o I-download ang TESDA App sa Google Play o Apple Stores at hanapin ang ‘TESDA Abot Lahat ang OFWs’ button upang makapag send ng application.

Sa pamamagitan nito, mapo-profile ng TESDA ang skills ng mga OFW bilang basehan ng kanilang gagawing assessment.


Kaya hinihikayat ni LapeƱa ang mga OFW na nagtatrabaho abroad na mag-apply na para sa kanilang assessment and certification online upang ma-upgrade ang kanilang mga skills.

Bago nito, inanunsyo ng TESDA na muli nang nagbukas ang skills assessment nito para sa mga OFW para sa Domestic Worker NC II, Shipā€™s Catering Services NC I at NC III, Caregiving NC II, at iba pang usual courses para sa OFWs.

Facebook Comments