National Capital Region Police Office, naka-full alert na simula ngayong araw

24

Naka-full alert status na ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, nasa labing isang libong pulis ang kanilang ipinakalat sa mga lugar na maraming tao gaya ng simbahan.


Kanselado na rin ang lahat ng mga official leaves at bakasyon ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na naka-assign sa Metro Manila.

Katuwang ng PNP sa pagbabantay ng kaayusan ang mga barangay officials.

Dagdag pa ni Eleazar,  wala silang namomonitor na anumang banta ng kaguluhan sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw.

Magpapatuloy naman ang full alert status hanggang sa susunod na linggo, April 21 o sa linggo ng pagkabuhay.

Facebook Comments

From Advertisers