National Economic and Development Authority, positibong lalago pa ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taon

218

Manila, Philippines – Asahan ang mabilis na paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Ernesto Pernia, posibleng umabot sa 7 percent ang Gross Domestic Product growth ngayong 2nd quarter kumpara sa 6.4 percent noong unang tatlong buwan ng taon.


Dahil ito ng malakas na year-to-date growth sa exports at agriculture sectors sa kabila ng mahinang election spending noong isang taon.

Ang mabagal na GDP growth rate noong Enero hanggang Marso ay bunsod ng mahinang government spending at mataas na presyo ng consumer goods.

DZXL558

Facebook Comments