National Headquarters ng Bureau of Fire Protection, hahawakan na ang imbestigasyon ng sunog sa Star City

Hahawakan na simula ngayong araw ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Star City.

Ayon kay Pasay City Fire Marshal, Supt. Paul Pili, bumuo na ang BFP-NCR ng team of investigators na sisilip sa nangyaring sunog sa Amusement Park.

Pangungunahan ito ni Fire Inspector Romeo Pepito, ang Hepe ng National Capital Region Arson Investigation Division.


Base sa BFP Operational Procedures Manual sa ilalim ng determining responsibility and liability, ang Investigation and Intelligence division ng BFP-NCR na ang may awtoridad na magsiyasat sa mga insidente ng sunog na may pinsalang aabot sa 60 Milyon piso pataas.

Paglilinaw ni BFP Spokesperon Fire Chief Inspector Jude Delos Reyes, hindi pa pinal ang naunang resulta ng imbestigasyon ng BFP-Pasay na sinadya ang sunog.

Kailangan pang beripikahin ang naunang findings ng City Fire Marshall ng Pasay City.

Facebook Comments