National Housing Authority, bigong makapasok sa isa sa mga pabahay sa Bulacan

33

Manila, Philippines – Bigo ang National Housing Authority na makapasok sa isa sa mga pabahay sa bulacan na puwersahang inukupa ng grupong kadamay.

 

Kasunod na rin ito nang paglalagay ng grupong Kadamay ng barikada sa gate ng Pandi heights 2 at 3.

 

Dahil dito, kinansela ng NHA ang nakatakdang pakikipag diyalogo sa mga nasabing pamilya.

 

Sinabi ni Kadamay President Gloria Arellano na hindi nila pinayagang pumasok ang nha dahil mamimili lamang ito ng pamilya na uubrang maging beneficiary ng nasabing pabahay.

 

Bigo rin ang NHA na makausap ang mga pamilyang umukupa sa Padre Pio at Villa Louise.

 

Patuloy na iginigiit ng Kadamay ang kagustuhang magkaroon ng libreng bahay at matagal na anila silang binabalewala ng gobyerno. 

Facebook Comments