NATIONAL ID REGISTRATION, ISASAGAWA SA 2 BAYAN ISABELA

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Isabela ng National ID registration at iba pang serbisyo sa dalawang bayan sa Isabela ngayong Abril.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) kung saan gaganapin sa Alicia, Isabela sa ika-25 ng Abril at sa Lungsod ng Cauayan sa ika-26 ng Abril.

Kabilang sa mga serbisyong hatid ay ang pagpaparehistro ng mga batang edad 0-4 taong gulang, pagpaparehistro ng lima 5 pataas, pag-isyu ng National ID sa paper form, pag-download ng Digital National ID, Retrieval ng Transaction Reference Number, at tracking ng status ng National ID.

Layunin ng aktibidad na mapabilis at mapalawak ang access ng publiko sa National ID system, lalong-lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa mga registration centers.

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Ika-3 at Ika-6 na Distrito ng Isabela na magtungo at mag-avail ng mga serbisyo na hatid ng Department of Migrant Workers (DMW), magsasagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Isabela.

Facebook Comments