
Sa mga nais bumisita sa National Museum of the Philippines ngayong weekend, may libreng special guided tour ngayong May 18.
First-come, first-served basis ito na magsisimula sa ganap na 10:00 ng umaga, habang ang pangalawang batch ay magsisimula sa 2:00 ng hapon.
Tuwing May 18 ay ipinagdiriwang ang pandaigdigang Araw ng Museo upang itaas ang kamalayan na ang mga museo ay may mahalagang papel sa pagpapalitan ng kultura, pagpapayaman sa mga lipunan at pagpapaunlad ng pagkakaunawaan, pagtutulungan, at kapayapaan.
Ang tema ng taong ito ay “The Future of Museums in Rapidly Changing Communities,” na hihikayat sa mga mamamayan na muling isipin ang papel ng mga museo bilang mahalagang connector, innovator, at tagapangasiwa ng kultural na pagkakakilanlan.