NATIONAL NUTRITION COUNCIL REGION 1 HINIKAYAT ANG MGA LGU’S NA MANGUNA SA PAG-IIMPLEMENTA NG TAMANG NUTRISYON

34
Hinihikayat ngayon ng National Nutrition Council o NNC Region 1 ang mga lokal na pamahalaan sa bayan na manguna sa pag-iimplementa ng tamang nutrisyon ng mga bata sa buong rehiyon.
Ayon kay Kendall Gatan ang OIC ng NNC Region 1, ang mga LGU ang tatayong ‘prime mover’ ng mga programang kanilang isasagawa.
Ang mga lokal na pamahalaan ang nakakaalam sa pangangailangan at kulang na nutrisyon dahil ito ay kanilang nasasakupan mismo.

Dagdag pa nito, patuloy na bumababa ang bilang ng mga batang malnourished sa Ilocos Region.
Samantala, nakalatag na ang mga aktibidad ng ahensya para sa buong taong selebrasyon. | ifmnews
Facebook Comments