
kinalampag ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang Department of Health (DOH) para ilunsad ang national task force vs Mpox sa harap ng tumataas na bilang ng dinadapuan ng naturang sakit.
Ayon kay Lee, pangunahing mandato ng task force na bantayan at pangunahan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mekanismo para mapigilan ang pagkalat ng Mpox.
Dagdag pa ni Lee, makakatulong din para epektibong matugunan ang Mpox ang paggamit sa ating mga natutunan noong COVID 19 pandemic.
Giit ni Lee, hindi tayo dapat maging kampante kaya kailangan ang whole-of-nation o pagtutulungan ng buong bansa para malabanan ang Mpox.
Bukod dito ay nananawagan din si Lee sa DOH at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na magkaroon ng komprehensibong information campaign ukol sa Mpox at sa mga benepisyong sinasagot ng ahensya sa pagpapagamot ng may Mpox at ng iba pang nakahahawang sakit.