‘National Vaccination Day’, aarangkada sa huling linggo ng Nobyembre

56

Magsasagawa ang bansa ng malawakang sabay-sabay na bakunahan kontra COVID-19 sa huling linggo ng Nobyembre.

Bagamat wala pang eksaktong petsa ang National Task Force against COVID-19, layon ng ‘National Vaccination Day’ ang makapagturok ng aabot sa 5 milyong dose ng bakuna.

Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., target ng bansa na mabakunahan ang 70% ng target population o katumbas ng 54 milyong Pilipino ng isang dose bago matapos buwan ng Nobyembre.


Dagdag pa nito, target din na pamahalaan nag awing fully vaccinated na ang kaparehas ng bilang bago matapos ang taong 2021.

Facebook Comments