National Youth Commission, hinikayat si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy na ang nakatakdang Sangguniang Kabataan election ngayong Oktubre

246

Manila, Philippines – Hinikayat ng National Youth Commission si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy na ang nakatakdang Sangguniang Kabataan election ngayon darating na Oktubre taong kasalukuyan.

Ayon kay NYC Chairman Aiza Seguerra, wala siyang nakikitang dahilan upang ipagpaliban ang nakatakdang eleksyon ng Sanggunian Kabataan.

Paliwanag ni Seguerra, matagal ng walang kinatawan ang mga kabataan sa pamahalaan kayat nararapat lamang umanong huwag ipagpaliban ang halalan.


Giit ni Esguerra kung ipagpapaliban umano ang eleksyon ng Pambarangay naniniwala ang NYC Chairman ay dapat namang ituloy ang SK election dahil wala namang isyu ng kabataang opisyal na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Facebook Comments