Nationwide consultation, isasagawa ng DPWH para mas maging epektibo ang pagsasaayos ng kalsada

Isinulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang serye ng nationwide consultations upang mapalakas ang regional collaboration at mapabuti ang highway maintenance sa buong bansa.

Ayon sa DPWH, bahagi ito ng pagsasaayos ng Philippine Highway Maintenance Management Manual kung saan nauna na itong isinasagawa sa CAR, Region 1, 2, at 3

Nagkasa na rin ng ilang serye ng konsultasyon sa National Capital Region, Regions 4A, 4B, at 5 upang tugunan ang lokal na isyu at makakalap ng feedback mula sa mga field engineer.

Paliwanag ng DPWH, mahalaga ang pag-update ng manual upang matugunan ang mga hamon ng urbanisasyon at natatanging kondisyon ng bawat rehiyon tulad ng Ilocos at Central Luzon.

Target ng konsultasyon ang makabuo ng mas malinaw, praktikal, at epektibong maintenance standards para sa mga engineers at field personnel sa buong bansa.

Facebook Comments