Friday, March 6, 2026

Nationwide fuel conservation sa pribadong sektor, isinusulong ng DOE kasabay ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East

Nanawagan ang Department of Energy o DOE sa mga pribadong sektor na magtipid sa paggamit ng petrolyo kasabay na rin ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East.

Ayon kay DOE Secretary at Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee (IAEECC) Chairperson Sharon Garin, wala pa kasing katiyakan kung kailan magiging stable o matatag ang suplay ng petrolyo dahil sa tenosiyon sa Gitnang Silangan.

Kaya isinusulong ngayon ng DOE ang nationwide fuel conservation sa pribadong sektor.

Sa inilabas na pahayag ng DOE, may listahan ang ahensiya ng ilang fuel efficiency at conservation practices na kailangang ipatupad ng lahat ng government entities.

Kabilang na dito ang regular at preventive maintenance sa mga sasakyan, pag-aspot sa standardized vehicle monitoring system at paggamit ng electric orl hybrid na mga sasakyan.

Ang advisory ay para maabot ang Government Energy Management Program goal na maibaba sa 10 percent ang konsumo ng petrolyo.

Facebook Comments