Natitirang second doses ng Sinovac, ipapagamit na bilang first dose sa Navotas

31

Gagamitin na ng Navotas City Government bilang first dose ang natitirang CoronaVac ng Sinovac Biotech na para sana sa second dose.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang desisyon na ito ay alinsunod sa utos ng National Vaccination Operations Center.


Tiniyak naman ng alkalde na walang dapat ipangamba ang mga naka-schedule ng 2nd dose hanggang June 26, dahil nakareserba ang kanilang mga bakuna.

Para sa mga second dose pagkatapos ng nasabing petsa, tiniyak naman ng DOH sa lungsod na papalitan ang pang-2nd dose na pinapagamit nila bilang 1st dose.

Magpapatuloy rin ang pagbabakuna ng 1st dose ng Sputnik at 2nd dose ng Pfizer sa lungsod.

Ngayong araw at bukas ay mayroong vaccination ng 1st dose ng CoronaVac ng Sinovac para sa A1 hanggang A4 priority groups.



Facebook Comments