NATUKOY NA | Bashers ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Facebook account na “buhay lespu”, kilala na

403

Manila, Philippines – Nakilala na ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga bashers sa facebook account na buhay lespu.

Sinabi ni Albayalde na pawang mga pulis ang mga ito na gumamit lamang ng pangalan ng mga kamag anak.

Kaya iniutos nya na sa Directorate for Personnel and records Management na papuntahin sa kanya ng personal sa lunes ang mga bashers na pulis.

Dagdag ni PNP Chief, posibleng makasuhan ang mga ito ng insubordination.

Nakasaad sa Facebook account na buhay lespu na minumura si PNP Chief ng mga facebook users dahil sa ginagawa nitong surprise inspection sa mga police station noong sya ay NCRPO Director pa.

Facebook Comments