NATUPOK | Dalawa patay sa sunog sa Pasong Tamo, Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang babae habang isang bata ang nawawala sa nangyaring sunog sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paulina Santos, 55-anyos, at Rachelle Ann Santos, 24-anyos habang patuloy namang hinahanap ang apo ni Paulina na si Reizel, 10-anyos.

Sugatan naman ang tatlong iba pa na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center.


Nagsimula ang sunog alas-11:40 ng gabi kung saan umabot ito sa ikalawang alarma at naapula bago mag-ala-1:00 ng madaling-araw ng Martes.

Aabot sa 15 bahay ang natupok at 30 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog dahil sa napabayaang nilulutong pagkain.

Facebook Comments