NATUPOK | Isang residential area sa Maynila, nasunog

31

Manila, Philippines – Isang residential area ang nasunog sa Atlanta Street sa Port Area, Maynila.

Inabot ng ikalawang alarma ang sunog at pitong bahay ang natupok.

Aabot naman sa 16 na mga pamilya ang pansamantalang walang matutuluyan dahil sa sunog kung saan nananatili sila sa covered court ng barangay.

Nabatid na alas-4:20 ng hapon nang magsimula ang apoy na tuluyang naapula bago mag-alas 5:00 ng hapon.

Hindi pa din malaman ng mga otoridad ang sanhi ng sunog, maging ang halaga ng mga ari-ariang natupok nito.

Facebook Comments