Naunang salaysay ng mga bumaliktad na akusado sa Degamo murder, ipiprisinta ng DOJ sa korte

Ipiprisinta ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang mga sinumpaang salaysay ng mga bumaliktad na akusado sa Degamo murder.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, bahala na ang korte na magdesisyon sa naturang affidavits.

Aniya, malaya naman itong sinumpaan ng mga akusado sa harap ng mga abogado at kanila itong paninindigan.


Iginiit din ni Remulla na halatang may sabwatan ang mga bumaliktad na akusado kasi pare-pareho ang kanilang mga sinasabi at biglaan ang kanilang recantations.

Facebook Comments