Navotas City Hall, isinailalim sa lockdown matapos magpositibo ang 24 na empleyado nito

35
Photo Courtesy: Navoteño AKO! Facebook Page

Isinailalim sa lockdown ang city hall ng Navotas City matapos magpositibo sa COVID-19 ang 24 na empleyado nito.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, naitala ang mga kaso kasunod ng pagsusumite ng mga empleyado ng RT-PCR test para sa pagbabalik-trabaho.


Dahil dito, sumasailalim na sa swab test ang mga empleyado ng Navotas City Hall.

Kasalukuyan naman ang isinasagawang disinfection sa buong gusaling pampamahalaan.

Mananatiling sarado ang city hall hanggang sa Linggo.

Facebook Comments