Navotas LGU, may mga paraan ng pagsuporta sa mga maliliit na negosyo

31

Naglatag ng mga paraan ang lokal na pamahalaan ng Navotas City para masuportahan ang mga maliliit na negosyo.

Kabilang dito ang Online NegoSeminar ng lungsod para sa mga nagbabalak magnegosyo ngunit kapos sa puhunan.


Ang mga nais dumalo ay kailangan lang magpadala ng mensahe sa Navotas Hanapbuhay Center Facebook page.

Mas pinadali rin ng Navotas Local Government Unit (LGU) ang business permit application o renewal.

Maaari naman itong ma-access sa electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) sa online.navotas.gov.ph.

Hinihikayat din ng Navotas LGU ang lahat na tulungan ang mga online seller sa pamamagitan ng pag-repost at pag-share ng kanilang binebenta sa social media.



Facebook Comments