NAWALAN NG PRENO | 18 na tao, sugatan matapos tumaob ang isang jeep sa Abra

33

Tineg, Abra – Sugatan ang 18 na tao, kabilang na ang anim na menor de edad matapos tumaob ang isang jeep sa Abra-Kalinga Road, Sitio Nagbukel, Barangay Alaoa, Tineg, Abra.

Papunta sana ng Caganayan, Tineg ang jeep nang biglang mawalan ito ng preno, dahilan ng pagtaob ng sasakyan.

Hindi na raw na-kontrol ng driver na si Delmar Guinaban ang manibela kung kaya ito tumaob.

Kasalukuyang nasa Abra Provincial Hospital ang mga biktima na pare-parehong nagkaroon ng sugat at bali sa katawan habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng jeep.

Facebook Comments