NAWALAN NG TRABAHO | Guwardiya, patay matapos magwala

26

Quezon City – Isa ang patay at isa ang sugatan matapos mag-amok ang isang guwardiya sa loob ng security agency sa Brgy. Old Balara, Quezon City.
Sa ulat, nagalit at nagwala ang guwardiyang si Jay Cho na natanggal sa trabaho matapos tumanggi sa drug test kaya at sinaksak ang katrabaho nito na si Cerilio Pilapil.
Agad naman kumuha ng baril ang office staff na si Mark Estanislao at apat na beses na pinagbabaril si Cho.
Nakuha sa pag-iingat ng nasawing guwardiya ang dalawang sachet ng shabu kung saan isinugod sa ospital si Pilapil habang mabilis naman tumakas si Estanislao.

Facebook Comments