NAWALANG 3-TAONG GULANG NA BATA SA BINMALEY BAYWALK, LIGTAS NA NAIBALIK SA PAMILYA

Isang 3 taong gulang na bata ang ligtas na naibalik sa kaniyang mga magulang matapos matagpuang mag-isang pagala-gala sa Binmaley Baywalk kamakailan.

Agad na kumilos ang mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang maalagaan ang bata habang isinasagawa ang paghahanap at pakikipag-ugnayan sa kaniyang pamilya.

Matapos ang ilang oras na beripikasyon at koordinasyon, matagumpay ring natukoy ang mga magulang ng bata at ligtas na naibalik sa kanilang kustodiya.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga magulang na maging mapagmatyag sa paligid at bantayan maigi ang kanilang mga anak lalo na kapag nasa matataong lugar upang maiwasan ang pagkaligaw at iba pang posibleng panganib. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments